You are viewing a single comment's thread from:

RE: Question Of The Weekend: Your Most Embarrassing Moment At School | QOTW Last Week's Winner Announcement

in Hive PH11 months ago

NAKAKAHIYANG PANGYAYARI SAKIN SA SKWELAHAN

Minsan ayoko nalang talagang isipin yung mga nakakahiyang pangyayari sa buhay ko. Kasi kapag naaalala ko mga 'yon, parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa at natatawag ko nalang bigla yung sarili kong shushunga-shunga. 🤣 So ito na nga.

Isa dito sa nakakahiyang naranasan ko eh noong second year high school ako, Flag Ceremony namin. Bakit ko naman hindi makakalimutan to eh buong School nakasaksi sa katangahan ko HAHAHAHA so eto nga.

FLAG CEREMONY time namin non. Tapos nagstart ng prayer. Ako, Proud na proud pa akong kumakanta habang nakayuko. Yung kinakanta ko kasi eh yung "AMANAMIN, SUMASALANGIT KA SAMBAHIN ANG NGALAN MO..." 'eh pag-taas ko nakatingin silang lahat sakin. AKO si nagtataka at nagkukunot ng noo at pahina ng pahina yung pagkanta ko tapos nung tumahimik ako kumanta yung kinakanta pala nila yung "OUR FATHER..." sorry naman. 🤣

Ako lang yung kumakanta ng ganon non tapos ang lakas pa ng boses ko. Tinginan silang lahat sakin eh. Pati mga senior ko nakatingin din sa gawi ko. 😭 Pati yung crush ko 'non nagpipigil ng tawa. Nasa side ko lang kasi siya. 🤧

Eh, kayo ate @ruffatotmeee at dear @jude.villarta may nakakahiya din ba kayong karanasan nung mga High School kayo? 😂

Sort:  

okay lang yan jam, for sure di kana nila non naalala,

as for me hmm.. wala ata ako entry for embarassing moment, wala ako maalala eh, i know impossibleng wala pero 🤔 siguro di siya something ikahiya since wala tlga ako maalala hahaha thanks for tagging jam,

Grabe diko alam if malulungkot ba ako or matutuwa na dina nila ako naalala pero don ako sa matutuwa 🤣 sana nga dina nila yon naalala haha

Sana all. Sana nga talaga nakalimutan ko nalang din yan 🤣 kaso yan talaga never kong nakakalimutan. 🥺

HAHAHAHAHA EPIC!! Dami pa naman tao sa flag ceremony!