Kung Sino Ang Nag-Aya Siya Dapat Ang Gumastos

in Tagalog Trail29 days ago

Wala na ako sa dating scene dahil sa isa na akong happily married na tao. Ini all caps ko para sa mga dapat tamaan na dapat tamaan. IYKYK

Gayunpaman, mayroon parin tayong masasabi ukol sa paksa na kung sino ba talaga ang una dapat na gumastos sa unang date.

pexels-khoa-vo-2347168-4005487.jpg

Larawan mula kay Khoa Võ

Ang aking stand dito ay kung sino ang nag-aya siyempre sa unang date. Madalas naman ang unang nag-aaya ng date ay ang lalaki sa kanilang gustong pormahan kaya't dapat lang na sila ang unang gumastos.

Usually, sa first date parang you get the jive dun sa kausap mo in a more deeper level a man can think of pursuing the person or not with the interaction na makukuha nya from the receiving end.

Kailangan ba bongga ang first date?

Kahit hindi naman, a simple coffee date will do, movie pwede din o kaya naman ay resto date. Depende yan sa means mo kasi what if, magkagustuhan kayo in the long run. Can you constantly commit the expenses? Setting the expecation matters parin naman kaya goods na hindi parin ma restrain ang budget mo after.

You need to look presentable sympre, back then tanda ko madalas naka poloshirt pa ako pag naalis ng bahay, pabango, skin care etc. I was vain ( ngayon medyo hindi na, basta lang may deodorant ako laban na yan may stocks pa ako ng pabango at abubot pero since nasa bahay nalang naman parang wala nading kwenta na mag-ayos ng pang gala, dagdag pa sa labahan at kalat sa bahay.) Anyhow, dapat maayos ang pananamit dahil first impressions last parin naman ang atake.

hindi porket nagpakita ng motibo, ilalabas mo na agad ang iyong embotido.

Nakita ko lang sa Facebook, hindi dahil sa masaya ang naging inyong unang date e babase ka na agad.

Para sa akin, ang inyong konserbatibong kuya sympre may panahon para sa ganyan.

Ayun lang! Okay quota na tayo para sa post na Tagalog ngayong araw. Bukas ulit haha

Sort:  

Hindi ako naniniwala na lalaki dapat gagastos sa date, for me kung sino may Pera!

Though Ang asawa ko, mas prefer Niya siya talaga but if wala siya budget back noong gf/bf pa lng kami nagsasabi siya.

So that's the time I would say, Sige call ko na!

I noticed that pala, mas effort tayo mag ayos noong single at di pa kasal kaysa now 🤣.
Siguro kasi kampante? Lol

Hahha gusto ko yang kung sino ang may pera. Pero sa ngayon ako lang ang nag wowork so samee lang.

KKB kami dati pag nalabas, soshal climber ang kuya mo noon pag naghati kami lugi si April hahaha.

Ewan ko din sa iba, pero since nasa bahay lang naman kami no need to make ayos pero kampante pwede din. Minsan nasa mood din naman ako mag dress up kasooo ang mga luma kong damit at pantalon di na kasya :(

Iba kasi talaga kapag single, siyempre need Todo ayos lagi para attractive 🤣😁.

Kahit ako parang di na ako ganon kaporma ika nga noong nag asawa. Which my boss and I talked about it months ago.

Dapat, maintain pa din somehow, baka kasi malosyang at di na mahabol ba 🤣

Depende pa rin sa magdidate yan, usap muna ba, decide if hati ba or what. Although baka masagi naman ang pride ng lalaki pag ginawa to, lol, pero di naman siguro no, uwu. Pero if sakin, at ipipilit nyang unang date ay taya sya, then go, hahaha. Nag volunteer na ee, lol

Gusto natin yang mga volunteer talaga haha.

untitled.gif

Di naman siguro masasagasaan ang pride pag ganun nasa pag uusap parin. Aanuhin ang pride kung wala naman pera.

Ang mga lalaking pinoy ay natural na maginoo dahil iyon ang turo ng ating mga magulang. So natural lang na mga lalake ang gumastos.

Oo naman nasa nature natin yan, kung paano pinalaki ng magulang din.

Kung sino nagyaya siya yung manlilibre unless may other agreement sa pagbayad. Since I'm on a date and assuming I'm asking for their time, I'll call dibs on the bills and be done with it. I won't decline if they offered to pay their share, but I'm not expecting them to.

ngayon medyo hindi na, basta lang may deodorant ako laban na

Kaya pala parang kulang amoy mo sa meetup

Kaya pala parang kulang amoy mo sa meetup

HOY! May pabango ako nung araw na yun at napaka init nung meet-up.

Parang gusto kong mang aya daily, tapos sila ang gagastos. Haha

Kaso mali talaga.

HAAHHAH okay lang mag aya. Hayaan mo nalang malay mo pumayag.