“Mahal Kita Kahit Malayo Ka” : A Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

“Mahal Kita Kahit Malayo Ka”

Noong una palang malayo kana.
Nagkatagpo tayo dahil sa kanila.
Mga kaibigan natin ang dahilan
Kung bakit tayo nagkakilala.

Nakilala kita, nakilala mo ako.
At doon nagsimula ang ikaw at ako.
Nagsimulang maging tayo kahit sa telepono.
Nagsimulang mag ibigan kahit na malayo.


*Pinalad ng panahon.
*Nabigyan ng pagkakataon.
*Panalangin natin sa Poon
*Natupad sa di inaasahang pagkakataon.


At ngayon malapit na.
Ang inaasam nating pagkikita.
Walang kasing saya ang aking nadarama.
Sa wakas! Mahal ko, mahahawakan na kita.


Ngayon mahal ko yakap-yakap na kita.
Hindi ko maipaliwanag, ang aking nadarama.
Tila ba kay hirap na, ang bitawan ka sinta.
Oh! Mahal ko, miss na miss kita.


Wag kang mag alala oh aking sinta.
Sa iyong pag alis puso ko’y iyong dala.
Pangako ko sayo hihintayin kita.
Kasi mahal kita kahit malayo ka.


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :

and Here are my English Poetries

Hanggang sa Muli

Photocredits : 1 2

Sort:  

Its really a nice philpino poem. good post. i like it thanks for sharing.

You got a 76.34% upvote from @thebot courtesy of @thedawn!
I have 10% guaranteed positive return on bids to help minnows.
Delegate me to get 95% profit | 10 SP, 20 SP, 30 SP, 40 SP, 50 SP, 75 SP, 100 SP, 150 SP, 200 SP, 250 SP, 300 SP, 400 SP, 500 SP, 1000 SP or Fill in any SP.

Kinsa man jhud kaha ni oh!

I am sad..

You've got more poems in filipino than in English.

Indigenous languages are beautiful.

Your poems are really beautiful 😊 Galeeeeeng!