"Bestfriend lang pala kita" - A Filipino Spoken Poetry by Me

in #poetry6 years ago

"Bestfriend lang pala kita"

135184135 copy.jpeg

Photo credits



Bata pa lamang ng tayo'y pinagtagpo
Ng makulit na tadhana, di tayo pinaglalayo
Bestfriends since birth ika ng iba
Pero ang sinisigaw ng puso ay iba na pa,

Naalala mo pa ba? Noong masaya tayong nagtatampisaw sa ulan na para bang wala ng ibang tao kundi tayo lang


Biglang tumalon ang aking puso sa mga titig mong nakakatunaw at mga ngiting mong nakakasilaw


Unti-unting nahulog ang aking loob sa mga kilos mong napakalambing at napakalumay na tila humahaplos sa aking munting puso


Lumipas ang masasayang panahon na kasama kita pero biglang nag-iba dahil aalis ka na


Aalis ka at walang kasiguraduhan kung ikay babalik pa ba kaya akoy nangatog sa hirap at kaba


Hindi ko maipaliwananag ang aking nadarama, tila binalot ang aking puso sa puot at kalungkutan dahil baka hindi ko na masilayan ang maamo mong mukha


Pero kinulong mo ko sa iyong bisig na hiniling di na bibitaw pa, tapos binitawan mo ang mga katagang, "Pangako, babalikan kita."


Pinikit ko ang aking mga mata at inalala ang mga alaalang nandito ka pa at di mapigilan ang mga ngiting tila kumakawala sa aking mga labi.
10 taon na pala


10 taon na simula noong nangako kang babalik ka
10 taon kong pinaghahawakan ang mga alaalang ginawa nating dalawa
10 taon kong tiniis na hindi ka makita
10 taon kong ininda ang sakit at hirap simula ng umalis ka


Pero naglaho ang lahat ng sakit ng mabalitaan kong dumating ka na
Sinagot ang aking mga dalangin para magkita tayong muli


Bumalik siya Lord! Salamat at bumalik ka!
Dali-dali akong tumakbo at hindi makapaghintay na makulong ulit sa bisig mo


Sa wakas, nakita na rin kita.
Nakita ko na ulit ang matatamis mong mga ngiti na kaytagal kong tiniis na makita


Dahan-dahan akong lumapit sayo pero bakit parang may mali?


Bawat hakbang ay kay bigat na para bang gusto ng katawan kong umurong pabalik,
Dun ko namalayan na hindi lang pala ikaw ang madadatnan ko, pati narin pala ang bago mo


Umuupaw ng mga tanong sa aking isipan na tila di kayang tanggapin ang aking nabalitaan


Mahal, ano bang meron siya na wala ako?
Joke lang ba ang mga pinangako mo?
Bes naman! Umasa ako! Umasa ako na may ikaw at ako


Pero sa kabilang banda, nginitian kita.
Sabi ko sayo, "Bes, suportado kita."


Tinalikuran kita ng walang pagdududa
Dahil tumulo ang luhang nagsasabing "bestfriend lang pala kita".

images (4).jpeg
photo credits

Salamat po sa oras niyo! 😊
(Thank your for spending your time 😄 )

Sana ay naantig ko ang inyong mga damdamin sa pamamagitan ng aking tula. Naway naramdaman ninyo ang mensahe at damdamin nito :) Ang tula pong ito ay aking orihinal na gawa.

Alam kong marami akong mga kababayan dito kaya naisipan ko ring gumawa ng isang tulang pinoy. Ito na rin ay isang paraan upang ipagmalaki ang wikang Filipino.

Muli, Salamat sa pagbasa at kung may komento o reaksyun po kayo, buong loob ko po itong tatanggapin 😊

FB_IMG_1518240789426.jpg

@queenlyka

Sort:  

This post has received a 0.15 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Nice poem! Based on real life ba to? Hehe upvoted :) if you have time please check my blog too :) https://steemit.com/travel/@janicemars/love-at-first-trip-my-camotes-love-affair

Nice job! I think I can relate because I also have this man in my life who is, "THE Bestfriend". Cheers to all bestfriends out there!

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by kinit from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Mabuhay kabayan ♥♥